Read Chapter 53 Chapter 53(Punishments) with many climactic and unique details. The series Secret Affair (MS2) is one of the top-selling novels by Internet. Chapter content Chapter 53 Chapter 53(Punishments) - The heroine seems to fall into the abyss of despair, heartache, and empty-handed. But unexpectedly, a big event occurred. So what was that event? Read Secret Affair (MS2) Chapter 53 Chapter 53(Punishments) for more details.
"Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin na tapos na?" Sigaw ko sa cellphone.
Nasa harap ako ng tukador at nagsusuklay. Alas sais na ng gabi.
Tatlong araw na ang nakalilipas simula ng nagkaayos kami ni Rad. We're so fine. I'm mean, more than that.
Gumigising ako bawat umaga na nakangiti at tila may mga puso sa paligid.
Kung noon ay sweet at maalaga si Rad ngayon ay dumoble pa. Umuuwi siya sa unit ko pagkatapos ng mga gawain niya sa opisina.
Noong isang araw ko lang din nalaman na siya pala ang COO nang Highlands Company. Isang kumpanya na nagbubuo at nagpaplano ng mga paggawa ng Hotels,Casino at mga designs nang mga uri ng rest house sa mga beaches. Ang HC kung saan mo makikitang binubuo ng mga Architects and Engineers. Ang papa niya daw ang CEO nun.
Nagmura siya sa kabilang linya.
"Sandali lang ako doon. Hindi ako makatanggi." He said huskily sa kabilang linya.
Uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Mula pa nung umaga hindi niya sinasagot ang tawag at texts ko dahil kakagising niya lang daw at nalowbat daw siya kagabi. Dahil daw ininvite siya ng isang kaibigan sa isang stag party.
Isipin ko palang na stag party marami nang babae doon.
Kung seloso siya, mas selosa ako.
"Kahit na! Mas mabuti pang sinabi muna agad e kesa nagmukha akong tanga sa kakatext at tawag saiyo kagabi! Yun pala nasa party ka!" Lalabas na yata ang ugat ko sa leeg e.
Hinagis ko ang suklay sa tukador. Ang sarap manuntok. Minsan na kaming naghiwalay dahil sa babae ayoko nang maulit iyon.
Lalo na't wala akong tiwala kay Rad! Minsan konang binigay iyon. Pero nawasak lang. Kaya hindi na maibabalik pa.
Kinukuyom ko ang cellphone ko. Doon ko binubuhos ang inis ko kay Rad.
Marahas siyang bumuntong hininga sa kabilang linya.
"Are we going to fight about this petty things huh?''Sagot niya sa kabilang linya na tila naiinis na.
"Kakagising ko lang, trust me okay. Wala akong ginawang hindi mo gusto."
Kahit na.Hindi ako kumbinsido.Ang unfair sa side ko masyado niya akong sinasakal halos nga hindi na ako nakakalabas sa condo ko. Dahil daw oras na lumabas ako may punishment.
Dahil nagseselos yun sa isang crew dito sa condo na guwapo dahil palaging nakatingin sa akin.
"Yun na nga. Wala akong tiwala sayo! Kung ikaw ay nagagawa ang gusto mo agad tapos ako dapat may paalam pa sayo? Ang unfair sa akin Rad. Nandito lang ako sa unit buong araw tapos ikaw nagpa party pala? Wow! Just wow!" Sarkasmo kong sabi sa kanya.
"Ibang usapan na yan---".
I cut him off.
"Kung ayaw mo din magtiwala sakin e di wag! Ginagawa mo akong bilanggo dito! Kung ikaw ay nagagawa mo lahat, pwes ako din! Okay? Bye!" Binagsakan ko agad siya ng cellphone.
Sumasakit ang ulo ko. Hindi na ako naiinitan ng araw simula ng nagkabalikan kami ni Rad. Ang daming bawal! Kain , tulog lang ang ginagawa ko dito!
Nagring ulit ang cellphone ko.
"Ano na naman ba Rad?!"
"Woah! Chill your ass. Kailan lang naging Rad ang pangalan ko ha?"
Oh fuck! Si Loisa pala!
"Oh, bakit?"
"Sungit ha? Buntis kana ba niyan? Siguro hindi ka tinigilan ni Rad ng kaka-".
I cut her off bago niya pa sabihin damn girl!
"Fuck! Loisa! Bigwasan kaya kita?" Singhal ko. She's Crazy.
"Okay fine. Hindi kana nakakalabas e ! Yayayain ka sana namin mag Bar sa--"..
Hindi ko na siya pinatapos ng marinig ko ang bar.
"Count me in! I need my revenge." I smirked.
"Woah! Revenge? War kayo ni Papa Rad?"
I groaned."Stop calling him that. He's mine." Gosh possesive narin ba ako nito? I think so?
Loisa barked out a laugh. Pagkatapos ng tawag ay nag ayos na ako. Alas syete trenta daw kami pupunta sa Twilite. Malaking amount daw kasi ang hinulog ng mama niya sa kanya kaya libre daw lahat ng iinom. Doon na din daw ako kakain dahil may magsiserve ng pagkain.
Nagsuot ako ng red mini dress above the knee na may hiwa ang magkabilang gilid ng baywang ko.
Damn. I look like a bitch with this. But I like it.
Kinulot ko ang mahabang buhok at pinuyod para labas ang batok ko. Pinaresan ko iyon ng stilletos. Hindi na ako nagmake up .Naglagay lang ako ng press powder at pulang lipstick.
Minsan lang naman ako lalabas. Kaya lubus lubusin ko na.
Pinatay ko ang cellphone ko bago sumakay sa taxi. Alas syete na din ng gabi. Alam kong tatawag si Rad sa akin kaya pinatay ko ang cellphone ko. Alam kong hindi niya ako mahuhuli dahil,may meeting sila ngayon hanggang alas otso. Sobrang busy'ng tao na ngayon ni Rad. Ganyan siya ka success ngayon.
Nagtake lang daw siya ng medicine noon para daw sa experience niya.Kaya habang alam niya ang pasikot sikot ng kumpanya nila. Alam din niya ang mang gamot.
"Manong baka mabangga tayo." Sabi ko na nasa labas ang tingin.
"Ay! S-sorry po ma'am." The driver said. Sa akin lang kasi ang tingin e. Hindi na sa daan.
Umirap na lamang ako.
Pagkalabas ko ng kotse ay naka abang sa labas ng bar sina Cassy at Loisa.
Sumipol si Loisa.
"Matutomboy yata ako ngayon." Pinasadahan niya ako ng tingin.
"Kahit maging tomboy kapa Loisa Ina, hindi yan papatol sayo. Sobrang guwapo kaya ni Radleigh." Cassy teased her.
"Grabe ka! Hindi ka majoke diyan!"
Marami rami narin ang tao sa loob. Same as usual. People dancing wildly on the dancefloor. Assorted colors of disco lights scattered in every corner. Loud music na halos bumasag sa eardrums ko.
Amoy ng alak at sigarilyo agad ang naamoy ko. Ginaya kami ni Loisa sa malaking space at doon naupo.
"Ano sainyo?" Tanong niya.
"Tequilla." Ako.
"Boracay." Si Cassy.
" At pulutan." Dagdag ni Loisa.
Agad namang kinuha ng waiter ang aming order.
Comments
The readers' comments on the novel: Secret Affair (MS2)