Login via

Secret Affair (MS2) novel Chapter 2

Read Secret Affair (MS2) Chapter 2 Chapter 2 ((Tunaw)

Novel Secret Affair (MS2) has been updated Chapter 2 Chapter 2 ((Tunaw) with many climactic developments. What makes this series so special is the names of the characters ^^. If you are a fan of the author Internet, you will love reading it! I'm sure you won't be disappointed when you read. Let's read the novel Secret Affair (MS2) Chapter 2 Chapter 2 ((Tunaw) now HERE.

Reading Novel Secret Affair (MS2) Chapter 2 Chapter 2 ((Tunaw)

Chapter 2 Chapter 2 ((Tunaw) novel Secret Affair (MS2)

                          

                            

       "Hoy bakit parang puyat ka naman yata?' May masakit ba sayo?" Napapitlag ako sa pag hampas ni Loisa sa mesa sa harap ko. Nakapalumbaba lang kase ako at nakatulala.Masakit kase ang katawan ko. I'm so fucking sore. Kahit masakit, pinilit ko parin ang makalakad ng maayos na hindi nila nahahalata.Nandito kaming tatlo sa Starbucks sa harap ng Campus namin.

     Kami ni Loisa, Cassy at ako. Since high school pa kaming magkaibigan. Ang uniform namin ay may kasamang coat na may tatak sa kanang dibdib na HMU pwede naman yun hubarin dahil may uniform naman kami sa panloob at skirt na hanggang taas ng tuhod ang haba. Pero ang iba naman ay nasobrahan sa ikli. Parang lalabas na ang under garments kapag tutuwad eh.

     "Wala lang ako sa mood." Sagot ko.

     Uminom muna si Cassy sa kanyang frappe at tumingin sakin. "Alam mo blooming ka girl! Iba talaga ang in love a' no? Siguro napagod ka ka gabi ni Frank". Humalakhak naman silang dalawa ni Loisa. Sanay na ako sa kanila. Matabil talaga ang bunganga nila. Nagalit nga pala sakin yun kagabi. Break na daw kami sabi niya sakin.

       "Break na kami nun! At isa pa, hindi pa kami nakakapag anuhan! Nagalit siya sakin kagabi dahil iniwan ko siya sa birthday ni Logan." Paliwanag ko sa kanila at nalaglag naman ang panga ng dalawa.

     "Totoo?! E halos ' mag iisang taon din kayo a!" Gulat si Loisa.

    I just shrugged. "Nakalimutan niyo na ba? It was all about the bet." Pinaalala ko sa kanila. Siya kasi yung nagpusta na kapag niligawan ako at sinagot ko si Frank ay sagot niya daw yung gastusin ko for three months.Alam ko naman na kinababaliwan ako ni Frank pero wala akong oras patulan. Nadala lang talaga sa panunukso at pusta na rin nila sa gastusin ko. Iyong sandali lang sana na pusta ay tumagal.

    "Ay, oo nga pala. Akala ko kasi minahal mo e. Tumagal kasi kayo."

   "Hindi ko siya minahal." Pag amin ko.

     "Oh my god! Montemayor's on the way!" Tili ni Cassy. Alam kong tambayan to nang mga Montemayor.Rinig ko ang tili at hagikhikan ng mga kababaihan nang pumasok ang tatlong lalaki.

     Unang pumasok ay si ' sir Sebastian  ang may-ari ng school na to. Ang cool niya!  Nakikisabay lang siya sa mga pinsan niya kahit siya ang may ari ng School na ito. Ang sabi nila playboy din ang isa nato e'. Kaso may nililigawan na daw to.

Comments

The readers' comments on the novel: Secret Affair (MS2)