Novel Secret Affair (MS2) has been published to Chapter 22 Chapter 22 (Akin Ka Ngayon) with new, unexpected details. It can be said that the author Internet invested in Secret Affair (MS2) with great dedication. After reading Chapter 22 Chapter 22 (Akin Ka Ngayon), I felt sad, yet gentle and very deeply moved. Let's read Chapter 22 Chapter 22 (Akin Ka Ngayon) and the next chapters of the Secret Affair (MS2) series at Good Novel Online now.
Isang linggo na ang nakalipas at ngayon na ang aming Booth Competitions. Paramihan ng kita ang bawat courses.
"So you mean na iyong step sister mo ay nasa unit mo?" Tanong sa akin ni Cassy dahil kinuwento ko sa kanila about kay Veron.
Kasalukuyan naming dinidisplay sa booth namin ang aming assorted kind of juices. Baked cookies and cakes with free hugs.! Si Kurt ang naka ediya niyan at ako pa talaga ang ginawa nilang pain sa free hugs.
Sa harap namin ay booth ng ibang kurso din. Nagkalat sa paligid ang ibat ibang booth at welcome pa ang outsiders. Para daw mas lalong dumami ang aming kita.
Tumango ako.
"Oo mabuti nga hindi kami masyadong nag -aaway. Noon kasi sa US lagi kaming nag-aaway. But peoples change for the better. "
Humalakhak si Loisa.
"Gusto namin siyang ma meet Frix. Yayain mong pumasyal. Baka nilumutan na yun sa unit mo sa sobrang ka boringan e."
Inirapan ko siya but I nodded.
"Okay some other time."
Busy na kami dahil may mga bumili na nang juice. Inuhaw yata. Good thing ay puro mga babae at si Jude ang free hug kapag babae. Kung lalaki naman ang bibili ay ako ang free hug.
Napangiwi ako ng naisip ko si Rad.
Hindi naman siguro iyon pupunta dito tsaka busy naman siguro yun sa booth nila.
Shit. Pinawisan ako.
"Kurt, sure ka ba na si Frixxie ang magbibigay ng free hugs? Baka tayo naman ang bigyan ni Rad nang free punch kapag nalaman nun ha?!" Sigaw ni Jude kay Kurt na siyang cashier.
May nakasabit sa dibdib ni Jude na nakasulat na 'Free Hug'. Meron din ako.
Napakamot naman sa ulo si Kurt.
"E' alam niyo naman na makarisma si Frixxie diba. Ang sexy din tignan niyo ang legs! Maputi, mabalahibo at walang taba! Kaya okay lang. Maiintindihan naman yan ni Papa- I mean Rad." Napangiwi pa siya sa muntikan niya nang masabi.
Inirapan ko si Kurt sa mga pinagsasabi niya at sa kamuntikan niyang masabi na 'Papa Rad' . Mabuti nalang walang nakakahalata dahil kung hindi buking siya na bakla siya.
"Oo nga! alam niyo naman si Rad! head overheels yun kay Frix. Naman kasi ang hot naman kasi ni Frixxie kaya kapag siya ang nasa free hugs. Ay tiyak na ubos ang paninda natin!" Aniya ni Loisa na nilagay ang huling cake.
"O',ano sayo Frix? Okay lang ba? Baka magalit si Rad." Tanong ni Loisa.
Umiling ako.
"Okay lang! Baka busy din yun sa booth nila.I can handle him. Dont worry."
Hindi ko nga din alam kung busy yun sa booth nila. Knowing Rad wala yung pake alam sa mga ganitong bagay
"Oy! May bumibili." Aniya ni Kurt. Kaya napatingin din ako.
Dalawang lalaking hindi taga HMU. Base sa kanilang uniporme na jersey ay sa St. Dominic University sila. Isa din sa mga pinaka mahal na Unibersidad dito sa Pinas.
"Two cups of juice and nne box of cookies." Sabi naman ng lalaking matangkad at maputi .Guwapo din at mukhang may sinasabi sa buhay.
"Woah! Free hugs huh?" Aniya ng isa na mukha palang ay payboy na. Sobrang gwapo din. Bakat sa katawan ang mga muscles at ang tikas ng katawan niya. Ang likod ng jersey niya ay may pangalang 'Erizalde'.
Napangisi sila ni Loisa at Cassy. Ganon din ang dalawa pa naming kasama na sina Diane at Flora.
Tumayo ako para sana pumwesto sa harap. Nangatog ang binti ko sa kaba.
Erizalde boy smirked. Minsan lang akong namuri ng mga lalaki ha? May hikaw pa ito sa kaliwang tenga. May shave din ang gilid ng buhok na mohawk style katulad ng kay Rad.
Comments
The readers' comments on the novel: Secret Affair (MS2)