Secret Affair (MS2) is the best current series by the author Internet. The Chapter 44 Chapter 44 (Tuso) content below will immerse us in a world of love and hatred, where characters use every trick to achieve their goals without concern for the other half—only to regret it later. Please read chapter Chapter 44 Chapter 44 (Tuso) and stay updated with the next chapters of this series at nisfree.com.
"Tangina mo naman Frixxie ! Miss na miss kana namin! Birthday ko ngayon! Mamayang gabi may party dito sa bahay."
Cassy keeps on calling me.Kinukulit ako kung dadalo ba ako.
I chuckled.
"Oo na! Sige na! Dadalo ako! Nandito na ako sa Manila! Balak sana kitang isurprise! Pero ang kulit mo."
Nagtitili siya sa kabilang linya. Fuck! Sakit sa eardrums. Kaya napalayo ko ang cellphone sa tainga ko.
"Really!? Nasurprise nga ako!" Humalakhak siya.
"So puntahan kita diyan? I'm sure gumanda ka lalo!"
Ininom ko ang juice ko bago nagsalita nasa veranda ako ngayon. Boring kasi, ayoko namang lumabas baka ano ano pa ang makita ko.
Tanaw ko ang mga nagliliitang sasakyan sa baba at mapaliit man at malaking gusali.
Nakahilig ako sa railings at nakayuko na tumitingin sa gusali ng kamaynilaan.
"Wag na! Ako nalang pupunta diyan mamayang gabi. Wag excited masyado Cas."
"Akala ko hindi kana dadalo e. Madami pa naman akong bisita." She said na parang may ibang kahulugan sa tinig niya.
Tinitigan ko ang mga maliit na gusali sa baba at sinukat ko ng mga daliri ko.
"Puwede ba yun? Dalawang taon na hindi ako nakadalo sa birthday mo kaya babawi ako." Sabi ko at umupo ulit sa upuan. Paharap sa railings.
Napapikit ako ng umihip ang panghapon na hangin at humampas sa mahaba kong buhok.
Ang boring mag-isa. All my life palagi akong nag-iisa. May daddy nga ako pero may sarili ng pamilya ito. Hindi naman siya nagkulang pinansyal pero kulang na kulang sa oras at pagmamahal.
Ayoko namang maging sampid pa sa kanila. Okay na akong makitang masaya sila.
Gustong gusto ko na hanapin ang mama ko. But how?'saan ako magsisimula? Sa pera palang ay kapos na ako.
Kahit kailan ay hindi na din ako nagtanong kay papa. Alam kung wala na siyang pakealam pa.
Alam ko din na pwedi niyang ipahanap si mama pero hindi na ako nag atubiling sabihin pa.
Para akong tangang naghihintay at umaasa na magkikita kami ulit.
Fuck.
Kumirot ang dibdib ko sa mga naiisip ko.
Suminghap ako at tumingala para pigilin ang luha ko.
Life is so unfair...
Hindi ako masamang tao para magdusa ng ganito. I' m tired of being alone. I'm tired of my life.
Pagkatapos ng tawag ay umidlip ako sa kwarto. Nakatulogan ko ang pag-iisip ng ganon.
Wala akong magawa. Pinagkaitan ako ng pagmamahal ng magulang. Pinagkaitan din ako ng pagmamahal sa lalaking mahal ko. Fuck right?
Nagising ako sa ingay ng aking cellphone sa gilid ng unan ko.
Tinignan ko ang oras bago sinagot.
Seven-sixteen in the evening.Heck! Ang tagal ng tulog ko!
Napabangon ako at sinagot ang tawag ni Daimos.
"Hello?" Sagot ko.
"Hi..." He said huskily. "I miss you."
I smiled. "I miss you too."
He chuckled. "Akala ko pupunta ka sa birthday ng kaibigan mo?"
" Damn.. Oo nga. Kakagising ko lang. Buti nga tumawag ka kaya nagising ako.." I chuckled.
"Sige, just call me later okay? Baka malate kapa."
" Okay." Binaba ko na ang tawag at tumayo para magshower.
Pagkatapos kong magshower ay sinuot ko ang dress ko. Hapit na hapit sa katawan ko, at maikli.Hanggang kalahati ng hita ko ang haba.
Pinaresan ko iyon ng silver stilletos at nude din na pouch.
Medyo kinulot ko ang buhok ko na mahaba.
Sumakay lang ako ng taxi patungong SouthVille.
Tumunog ang cellphone ko. Kaya sinagot ko.
Hindi pa ako nakakapagsalita ay naunahan na ako ng kabilang linya.
"Gosh, Frixxie asan kana? Eight-thirty na ang tagal mo." Himutok ni Loisa.
I rolled my eyes.
"I'm on my way,chill." I chuckled.
"Chill my ass. Ilang taon din! Miss na kita!"
Comments
The readers' comments on the novel: Secret Affair (MS2)