Login via

Secret Affair (MS2) novel Chapter 47

Read Secret Affair (MS2) Chapter 47 Chapter 47( Pasalamat Ka, Mahal kita) TODAY

The novel Secret Affair (MS2) has been updated Chapter 47 Chapter 47( Pasalamat Ka, Mahal kita) with many unexpected details, removing many love knots for the male and female lead. In addition, the author Internet is very talented in making the situation extremely different. Let's follow the Chapter 47 Chapter 47( Pasalamat Ka, Mahal kita) of the Secret Affair (MS2) HERE.
Keywords are searched:
Novel Secret Affair (MS2) Chapter 47 Chapter 47( Pasalamat Ka, Mahal kita)
Novel Secret Affair (MS2) by Internet

                       

             

     Kung gaano karangya ang buhay ko. Kabaliktaran naman ng buhay pag-ibig ko.

Buhay pag ibig sa pamilya,at pag ibig para sa taong mahal ko.

     Naka tunghay ako sa kalawakan ng Kamaynilaan sa veranda ng aking unit.

    Hawak ang kopita ng alak, nilalaro ko yun paikot ikot sa palad. Ngayon nakatulala lamang ako doon na parang malaking hiwaga ito sakin.

     Love is the most powerful of all. Kung masasaktan ka dahil sa pagmamahal kahit iinom mo pa ng maraming alak ay sa huli ,mananatili pa rin ang sakit.

    Gosh, sobrang lalim na nang pag iisip ko.

      Kasalukuyan kasama ko ngayon si Loisa at Cassy.

    One week na din. Hindi ko alam kung bakit hindi padin ako kinocontact ni Daimos. Kung hindi siya makakauwi dito ay uuwi ako ng Isla.

     I missed the place. Doon kasi marerealize mo kung gaano kaganda ang kalikasan. Hindi man kasing unlad katulad dito sa Manila  ay maganda naman ito sa maraming bagay.

     It's an ideal place for me. Kung magkaka pamilya man ako sa huli. Gusto ko doon ako titira.

    "Hindi naman kasi kasalanan ni Frixxie e. Nagmahal lang naman siya" Napabalik ang huwisyo ko sa sinabi ni Loisa.

    Hindi ko alam na sa akin na pala ngayon ang topic nila.

     Sa loob ng one week ay lumalabas lang ako kung may importanteng bibilhin.

     Minsan pumupunta ako sa' Gym dito sa loob ng building.

     "E naman. Dapat kasi pinag explain niya muna si Rad."

     Sinulyapan ako ni Cassy.

     I lazily heaved a sigh.

     Nasasaktan parin ako, aaminin ko. Pero hindi ko alam ang gagawin ko. Matapos ko siyang pinagsalitaan ng masama.

     Hindi ko alam kung mahaharap ko pa siya.My conscience eating me. Halos hindi ako makatulog gabi  gabi sa ka iisip.

    "Frix, ano na ang gagawin mo ngayon?" Tanong ni Loisa.

     Alam kong mugto ang  mata ka sa kakaiyak.

     "Hindi ko alam."

    "Sinabi na ba sayo ni Rad?" Cassy asked and sipped on her wine.

     "Sabihin ang ano?" Takang tanong ko.

     Nagmura siya.

     "Tangina naman ni Rad. Ang hina." She murmured sa inis.

     I creased my forehead.

    "Ano ba yun?" Napaayos ako ng upo.

    "Talk to him, Frix! Alam mo ,walang maaayos kapag nakatunganga ka lang e!"

    "Talk to him? Kailangan pa ba yun? Ano ba kayo? Pamilyado na yung tao."

     Nagmumura sila na parang may mali akong sinabi.

    "Make it up with him. Wala kasi kami sa lugar para sabihin yun sayo." Loisa looked at me like I'm a puzzle.

     Hindi ko sila maintidihan. Marami ba talaga ang nagbago sa nagdaan na tatlong taon? Marami ba akong hindi alam?

      Kinagabihan ay inayos ko ang aking susuotin. Sa labas ako kakain. Hindi na kasi ako masyadong lumalabas. Wala naman akong dapat ikatakot. Wala naman akong dapat ikabahala.

     Nagsuot ako ng isang fitted gray t shirt and a short shorts. Pinaresan ko ng  fliplop na tsinelas. Hinayaan ko lang ang buhok ko na nakalugay.

     Wala akong pake kung mukhang pambahay man ang suot ko. Ang importante kumportable ako. Kaya ito ang susuotin ko. Mas kumportable ,mas maginhawa sa pakiramdam, walang sagabal.

Comments

The readers' comments on the novel: Secret Affair (MS2)