Login via

Secret Affair (MS2) novel Chapter 33

Read Secret Affair (MS2) - Chapter 33 Chapter 33 (Birthday)

Read Chapter 33 Chapter 33 (Birthday) with many climactic and unique details. The series Secret Affair (MS2) is one of the top-selling novels by Internet. Chapter content Chapter 33 Chapter 33 (Birthday) - The heroine seems to fall into the abyss of despair, heartache, and empty-handed. But unexpectedly, a big event occurred. So what was that event? Read Secret Affair (MS2) Chapter 33 Chapter 33 (Birthday) for more details.

                      

                         

           Nilagyan ko nang tatlong hikaw na maliliit ang kaliwang tainga ko. Pinalagyan ko kasi ng dagdag na dalawang butas para maging tatlo. Astig tignan.

     "Woah! Petmalu lodi! Nagpabutas ka?!" Si Loisa na kakapasok lang. Naka uniform pa siya. Galing siyang school. Galing din ako doon kakauwi ko lang.

       Minsan nakikita ko si Rad pero hanggat maaari ay umiiwas ako. Umiiwas ako sa maaari kong makita kapag kasama niya si Pia. Minsan hindi si Pia ang kasama niya.

    I admit, it's all my fault. I put all the blame on me. Kung bakit ba kasi ako nagpatalo sa takot ko. Kung bakit ba kasi hindi ako makapag isip ng time na yun. But damn! Na trauma ako dahil doon. Halos buwan din akong natakot sa mga tao. Kahit kina Cassy ay hindi ko kinausap.

     Hinubad ko ang uniform ko ,undies lang ang natira . Wala akong pakealam kung nandito man sa loob si Loisa.

    "Where's Cassy?" I asked.

     Loisa whistled.

    "Woah. Chick! Ganda katawan! Ganda babae! Broken naman!" Asar niya at humalakhak.

    Binato ko siya ng unan.

    "Kung ikaw, maloko ni Brandon. Makikita mo! Mararanasan mo din to! Lets see!" Sabi ko sa kanya at humiga sa kama ko.

     Brandon is her boyfriend. Sa mukha palang noon ay alam mo nang hindi makakapagtiwalaan.

     "Oy, grabe ka naman. Wag ako! Hindi ka naman mabiro!" Humiga din siya sa tabi ko.

     "Susunod si Cassy. Nagshopping

lang yun sandali.Ililibre daw tayo ng dress." Aniya sa akin.

     Nakadapa ako kaya inangat ko ang ulo ko.

    "Dress for what?" I asked , nacurious ako.

     "Birthday ni Clinton Montemayor ngayon! Invited tayo! Dito na kami kakain at magbibihis."

    I raised my brow upwards.

    "Hindi ba baka magkasabunutan ulit sila ni Kylie at Cassy?" I said mockingly.

    Humalakhak siya.

    "Edi masaya!" Binatukan ko siya. "Naman, Frix! Hindi ka naman mabiro."

    "Umayos ka nga Loisa Ina! Invited ba talaga tayo?"

    She nodded.

    "Yes, meron akong invitation card dito isa sakin isa daw sayo. Si Clinton  nagbigay nito!"

     May invitation card naman pala. Okay na rin.

    Alam kong hindi imposible na hindi ko makita si Rad doon. Hindi naman puwedeng habang buhay ko na syang iiwasan.

    Kinagabihan ay nag ayos na kami. I wore a black tube mini dress na halos isang dangkal at kalahati lang ang haba nito sa aking precious pearl. But it's okay. I can manage.

     Kinulot ko ang mahaba kong buhok at hinayaan na nakalugay.

    "Saan daw ba ang birthday party ni Clinton?" Loisa asked Cassy nakaharap sila sa tokador. Ako naman ay nasa kama at sinusuot ang aking stilletos.

    

     "Nirentahan ni Clinton ang buong Twilite bar.Doon tayo pupunta ." Sagot ni Cassy na naglalagay ng lipstick.

      Nang natapos sila ay tumungo na agad kami sa Twilite bar.

     Sa labas ay may nakabantay kung may dala ka bang invitation card. Kung wala ay hindi ka makakapasok. Tanging sa mga invited lamang talaga.

     And to my surprise I saw Kurt went out in his car. Damn!

     "Kurt!" Tinawag ko siya at kinawayan. He smiled at me. Lumapit siya sa kinaroroonan namin.

    "Hello Kurt!" Bati ni Loisa at Cassy.

    "Hi! Pretty ladies." Isa isa niya kaming hinalikan sa pisngi.

     "Invited ka din?" I asked. He nodded.

    "A'  oo e,pasok na tayo?" Tumango naman kami. He's wearing a white long sleeve and a ragged pants. Hindi halata na bakla siya lalo na sa kilos niya hindi talaga halata.

     Tumabi siya sa akin at inakbayan ako. Sinalubong kami nang mga kakilala kong ka batch at iba ay hindi kona kilala pero sigurado akong sa HMU din nag aaral.

    "Shit! Andaming papabols." Kurt whispered on my ear. Na halos ikinatawa ko.

     Si Cassy at Loisa naman ay nauna sa amin.

     Nakaakbay lang talaga si Kurt sa akin. Maybe he's not afraid anymore dahil siya din mismo ay alam ang nangyari sa amin ni Rad. Minsan na din akong binisita ni Kurt sa unit ko nung kailan. He is a real friend. Hindi siya nahihiya na pakita niya sakin ang kabaklaan niya.

     Andaming nagsasayawan sa gitna. May mga okupado ding mesa ng mga grupo sa gilid. Kahit dito sa loob ay may naninigarilyo.

     "Ayun sila ni Clinton o." Turo ni Loisa. Ibibigay kasi namin ang aming regalo. Pero iisang regalo ang ibibigay namin dahil nasa loob na ng isang box ang aming regalong tatlo.

     Nagkaayos naman si Kylie at Cassy kaya hindi naman siguro kami makakasaksi ng magkakasabunutan dito.

     Okupado nila ang malaking space dito sa gilid. Sa gitna nila ay mahabang mesa at mga iba't ibang inumin. May mga pagkain din sa  gilid kung gusto mong kumain at may pulutan din.

     Sa mesa nila  lamang ang bilang nang mga lalaki konti lang ang babae. Hindi ko masyado kilala ang iba dahil sa ilaw nang disco lights na ibat- ibang kulay.

      Halos hindi rin magkarinigan dahil sa malakas na ingay ng tugtog.

     "Happy birthday pare." Aniya ni Kurt kay Clinton na iniabot ang hawak niyang wine kay Clinton.

Comments

The readers' comments on the novel: Secret Affair (MS2)