Login via

A Night with Gideon novel Chapter 4

About A Night with Gideon - Chapter 4

A Night with Gideon is the best current series by the author Internet. The Chapter 4 content below will immerse us in a world of love and hatred, where characters use every trick to achieve their goals without concern for the other half—only to regret it later. Please read chapter Chapter 4 and stay updated with the next chapters of this series at nisfree.com.

Chapter 4

Gideon was talking to a middle-aged man. Wala na ang mahabang balbas nito na siyang nagbigay ng mas malakas na appeal sa lalaki. Maangas pa rin ang pagkakaman-bun ng buhok.

Ang mukha ay seryoso pa rin pati na rin ang pagkakatindig ay lalaking-lalaki na para bang ipinapakita nito na ang ka-angasan sa lahat.

“Students, this way!” narinig niyang anunsyo ng kung sino dahilan upang maalis ang paningin niya sa lalaki. Gayundin ang mga babae niyang kaklase na naghagikhikan pa habang naglalakad sila paalis sa main entrance ng building.

“We will divide you in to two groups. One of the groups will be interviewed by the CEO himself and the rest will be interviewed by me—the head HR,” wika ng babaeng nasa harap nila. The girl is prim and proper. She looks like a strict professor of the university. Iyong tipong matandang dalagang propesor na ibabagsak ka sa subject niya.

“I’m Ms. Hillary. Group yourselves now, Students. I don’t care kung hindi kayo magkaka-block.” Sinundan pa iyon nito ng palakpak.

“Magkagroup tayo, Ate,” nakangising sabi ni Quincy sa kanya na muling pumwesto sa tabi niya matapos pumunta sa kumpulan ng mga babaeng kaklase upang makipagdaldalan kaninang sakay sila ng elevator. “Doon tayo sa i-interview-hin ng CEO.”

“Di ba parang mas mahirap do’n?”

“Iyon na nga eh, dapat challenging para magpa-impress.”

Kunot-noong tiningnan niya ito. Bahagyang tinaasan niya ito ng kilay dahil alam niya ang klase ng kislap ng mata nito.

“Eh kasi, Ate. Sabi ng mga kaklase nating babae, ‘yong nasa lobby daw na mukhang Greek God ang CEO. Ang gwapo, kinilig pati atay at balun-balunan ko,” sabi nito at halos maglambitin pa ito sa braso niya habang pumapadyak-padyak ang mga paa.

Napaawang ang kanyang bibig at nanlalaki ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ni Quincy.

“Iyong lalaking tinitingnan natin sa lobby? Siya ang CEO?”

Nginisian siya nito at sinudot-sundot sa tagiliran. “Oh, di ba? Tiningnan mo din. Ang gwapo ‘no?”

“Siya?” kulit niya pa rin dahil hindi nito sinasagot ang tanong niya. May ideya na siya pero gusto niyang makasigurado.

“Oo, Ate. Kaya do’n na tayo sa CEO magpa-interview. Gustong kong makasilay ulit ng anghel na bumaba sa langit.”

Naagaw niya ang braso na hawak-hawak nito. “H-Hindi. Doon na lang ako sa head ng HR.”

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla siyang naduwag sa kaisipang makakaharap niya ang lalaking bumili sa kanya.

“Ha?! Bakit do’n, huwag doon.” Mas lumapit si Quincy sa kanya. “Tingnan mo nga iyang head ng HR. Mukhang masungit. Kamukha niya yong propesorang nagbibigay ng singko sa grades,” mahinang bulong nito sa tainga niya.

Mahina siyang natawa at pabirong siniko ito. “Marinig ka niyan. Auto-bagsak ka.”

Quincy laughed. “Kaya nga. Kung babagsak din lang naman sa interview, aba doon ka na sa makakasilay ng hulog ng langit.”

Sasagot pa sana siya ngunit naitikom niya ang kanyang bibig nang tumikhim si Ms. Hillary. At saka pa lamang nila napansin na tahimik na nakatingin sa kanila ang mga kasamahan.

“If the two of you still wants to gossip, the door is open. You can leave freely,” masungit na wika ni Ms. Hillary habang nakataas ang isang kilay.

Napayuko siya at napapikit. Unang araw pa lang eh.

“I’m sorry po,” nahihiya niyang paghingi ng paumanhin.

“Well, you should be. You, what’s your name?” baling nito kay Quincy Mae.

“Q-Quincy.”

“And you wish to be interviewed by the CEO, right?”

Ngumiti ng malaki ang kanyang kaibigan. “Yes, Ma’am.”

“Then you will be interviewed by me.”

“P-Pero,” tutol nito.

“No buts. Kung may reklamo ka, I can directly give you fail remark at this very moment!”

“Ako na lang po sa inyo, Ma’am,” singit niya.

Ngunit sa halip na sundin, umiling ito at tiningnan siya ibabaw ng suot nitong salamin. “No, you are going to be interview by the CEO.”

Wala na silang nagawa dahil tumalikod na ito at iginiya ang mga estudyante patungo sa HR department. Nagkatinginan sila ni Quincy Mae at napangiwi siya.

Maya-maya pa ay pumadyak ito sa kinatatayuan at mataray na humalukipkip. “Bad trip na Ms. Hillary na iyon. Menopausal yata, hmp!”

“Bata pa ‘yon. Ilang taon lang yata ang tanda sa akin,” aniya.

Muli itong pumadyak at bumusangot. “Ah, basta. Menopausal siya.”

Napanganga siya nang mabibigat ang mga paang sumunod ito sa grupo.

Minutes later, she found herself sitting in one of the benches outside the chief executive office. Alam naman niyang malamig ang paligid niya nang mga oras na iyon. Pero hindi niya malaman kung bakit literal na nanginginig ang kanyang mga kamay at paa nang mga oras na iyon. Dahil ba iyon sa aircon o sa kaba?

Lihim niyang hinihiling na sana ay hindi siya nito mamukhaan. It’s been four years at sigurado siya na magiging awkward ang muli nilang pagkikita kung sakaling mamukhaan man siya nito. At sigurado rin siya na bagsak siya sa interview na ito.

“Ms. Lyzza Pacamara?” narinig niya ang tinig ng lalaking sekretarya ng CEO.

Gusto niyang magtaas ng kamay ngunit hindi niya magawa. Tumatambol sa kaba ang kanyang dibdib.

“Ms. Lyzza Pacamara? Is she here?” ulit ng secretary dahilan para magsilingunan ang kanyang mga kasama sa kanya.

Napalunok siya at halos kinailangan pa niya ng tulong ng kaliwang kamay para maitaas niya ang kanang kamay.

“A-Ako…” aniya.

The secretary of the CEO eyed her from head to toe and back to her face. Pagkatapos ay ngumiti ito sa kanya at binuksan ang pinto ng opisina ni Gideon.

“You are next. Sir Gideon Vesarius is waiting for you,” banggit nito sa buong pangalan ng lalaki. Iba ang dating sa kanya ng tunog ng pangalan na iyon.

Gideon sounds powerful. Dinagdagan pa ng apelyidong Vesarius, the owner of Vesarius Airlines.

Gusto niyang manliit.

“T-Thank you,” wika niya at kiming pumasok sa pinto na binuksan nito.

Comments

The readers' comments on the novel: A Night with Gideon