Novel A Night with Gideon has been published to Chapter 7 with new, unexpected details. It can be said that the author Internet invested in A Night with Gideon with great dedication. After reading Chapter 7, I felt sad, yet gentle and very deeply moved. Let's read Chapter 7 and the next chapters of the A Night with Gideon series at Good Novel Online now.
Chapter 7
“Mommy, I like that pencil case po,” wika sa kanya ni Summer habang nakatingala sa kanya at ang isang kamay ay nakaturo sa isang estante na may mga naka-display na lapis at pencil case na may iba’t-ibang kulay at design.
Linggo ng araw na iyon at katatapos pa lamang nilang magsimba nang napagdisisyunan niyang ipasyal ang anak sa mall. Kahit papano ay sinisiguro niya na nagkakaroon siya ng oras para makasama at ipasyal ang kanyang anak kahit pa nag-aaral siya at tinutulungan ang kanyang ina sa tindahan nila.
“Di ba may pencil case ka pa na bago? Hindi mo pa iyon nagagamit,” striktong sabi niya rito at bahagya pang niyuko.
“Yes po,” tango nito. “But I like that pink pencil case, Mommy. It’s so beautiful.” Her daughter even slightly pouts her lips and gives her puppy eyes.
Now, can someone tell her how can she resist this cute little devil in front of her?
Gayunpaman, mas nanaig sa kanya ang pagiging ina na kailangan disiplinahin ang anak. Nameywang siya at tinaasan ito ng kilay. “Hindi mo ako madadala sa ganyan, Summer,” aniya na ikinayuko nito.
Summer played with his fingers tanda na kinakabahan ito at nag-iisip. Nang muli itong tumingala sa kanya, ay nangingilid na ang luha sa mga mata nito at yumakap sa isa niyang binti.
“Sorry, Mommy,” mahina nitong wika at isinubsob ang mukha sa kanyang hita.
Napahinga siya nang malalim at kinarga ang anak. Nasa tagong bahagi sila ng National Book Store kaya hindi sila masyadong nakaka-agaw ng pansin. May bibilhin din kasi siya para sa eskwela kaya pumasok siya roon.
“Okay, anong ipapalit mo?” tanong niya nang magkapantay na sila.
“My stickers, Mommy,” sagot nito sa kanya. “I won’t ask Tito Cai to buy me stickers tomorrow.”
Bahagya siyang natigilan. She knows how much her daughter like those personalized stickers. Mukhang mas gusto na nito ngayon ang pencil case na itinuro nito kanina.
“Okay. Pero isa lang, ha?! Huwag ng magtuturo, deal?!”
Nakangiting tumango ang anak. “Thank you, Mommy,” she said sweetly as she gave her a peck on her cheek.
Agad naman siyang nanlambot dahil sa sweet gesture na iyon ng kanyang anak. Summer is such a sweet baby. Natural ang pagiging malambing lalo na sa kanya, kahit pa minsan ay ang arte-arte nito.
“Sige, kuha tayo ng isa.” Ibinaba niya ang anak at lumapit siya sa estante kung saan naka-display ang mga pencil case. “Ito ba, Baby girl?” tanong niya.
“Yes, Mommy.”
Kaya naman pala gusto ng anak niya dahil kulay pink ang kulay niyon at higit sa lahat ay barbie ang display niyon na nakapang-military uniform in a fashionista way.
Kinuha niya na rin ang mga gamit na kailangan niya bago sila naglakad ni Summer patungo sa counter.
“Baby, upo ka muna dito ha,” wika niya nang makitang mahaba ang pila sa counter. Baka kasi mangalay ito sa kakatayo. Wala pa naman itong pasensya minsan, mabilis mainip.
“Yes, Mommy. I’ll behave po,” ngiti nito sa kanya at tiningan ang iba pang bata na naka-upo rin sa bench na kinauupuan nito.
Bumalik siya sa pagkakapila sa may counter habang pana-panakang sinusulyapan niya si Summer na naka-upo lang habang nakikipag-usap sa ibang bata.
Summer gave her a flying kiss nang makita siya nitong nakatingin. Nagflying kiss din siya na ikinahagikhik ng anak. Natawa rin siya at kinuha sa dalang shoulder bag ang kanyang pitaka dahil siya na ang nasa tapat ng cashier.
“Three hundred forty-eight, Ma’am,” wika ng cashier sa kanya. She pulls out a five-hundred-peso bill and hands it to the cashier.
Nang makuha niya ang resibo at pinamili ay umalis na siya sa pila at tiningnan ang kinaroroonan ng anak.
Ngunit namutla siya nang makitang wala sa dating kinauupuan si Summer.
“Summer,” kabadong tawag niya at naglakad patungo sa direksyon ng mga bata. “Nakita mo ba si Summer?” tanong niya sa batang nakita niyang kausap ng anak kanina.
“Ms., anong kailangan mo sa anak ko?” tanong ng babaeng ina ng bata.
“T-Tinatanong ko lang kung saan pumunta ang anak ko?” wika niya. “Siya kasi ang ka-usap kanina.”
“She went outside,” tinuro ng bata ang pintuan. “She said she saw her dad outside.”
Agad siyang napatayo at hindi na niya nagawang makapagpasalamat sa dalawa dahil bumangon ang takot sa kanyang dibdib para sa anak.
Sinong daddy ang tinatawag nito? Baka kung kanino lang ito sumunod at nawala.
“Oh my God,” mahina niyang usal habang palingon-lingon sa paligid. “Where are you baby?”
Litong napahakbang siya pakaliwa. Walang paki-alam kung nabubunggo niya ang mga tao na naglalakad pasalubong sa kanya.
“Summer, Baby,” tawag niya. Hinawakan niya sa braso ang lalaking nakasandal sa railing ng mall habang nagce-cellphone. “Sir, may nakita po ba kayong bata na nasa three years old lang ang edad. Tapos kulay pink ang damit niya.”
“Naku, sorry, Miss. Hindi ko napansin, eh,” sagot nito sa kanya.
Nagtanong din siya sa iba pang nakakasalubong niya. Ngunit katulad ng nauna ay hindi rin daw napansin ng mga ito.
“I-inform ko po Ma’am sa information kiosk at central management para mahanap ang anak niyo,” wika sa kanya ng guard na napagtanungan niya.
“Salamat.” Tumango ito at ini-radyo ang sitwasyon.
Comments
The readers' comments on the novel: A Night with Gideon