The novel A Night with Gideon has been updated Chapter 5 with many unexpected details, removing many love knots for the male and female lead. In addition, the author Internet is very talented in making the situation extremely different. Let's follow the Chapter 5 of the A Night with Gideon HERE.
Keywords are searched:
Novel A Night with Gideon Chapter 5
Novel A Night with Gideon by Internet
Chapter 5
Gideon stares blankly at the closed door after Rona—Lyzza, went out. Umigting ang mga panga niya at halos masabunutan ang sarili dahil sa inakto ng babaeng umukopa sa kanyang isipan mula nang magising siya mula sa pagkaka-coma sa loob ng apat na buwan matapos ang gabing binili niya ito.
Napadpad siya auction na iyon dahil sa sulsol ng kanyang kaibigan na mag-unwind din siya paminsan-minsan. Ipinahatid siya sa lugar na iyon ng tar*ntadong si Alejandro Almeradez. He is one of his best friends since they were in military school.
Nasa leave siya nang mga oras na iyon dahil inasikaso niya ang divorce nila ng kaniyang ex-wife. His slut ex-wife na hindi nakontento sa kanya at naghanap pa ng iba. He thought, she is an angel dahil tumagal sila ng isa at kalahating taon bago nila napagdisisyonan na magpakasal. Mahinhin sa panlabas na kilos at anyo ang babae ngunit wild sa kama na siyang dahilan kaya umabot ng lampas dalawang taon ang relasyon nila kasama na ang walong buwan na kasal sila.
Ngunit ang hindi niya alam, na may ibang nagpapaligaya rito kapag nasa serbisyo siya. His whore of an ex-wife was a real wolf, clothes in sheep. Tumatalon sa iba’t-ibang kama ng mga lalaki kapag wala siya. Lumalabas ang totoong kulay kapag sumisigaw na ito sa sarap.
Kahit noong mag-asawa na sila, sigi pa rin ito. Hindi niya alam kung saan siya nagkulang. Ibinibigay niya naman ang luho nito at ang oras niya kapag nagbabakasyon siya mula sa serbisyo. Ngunit sadya yatang nakukulangan ang babae sa kanya kaya naghanap ng iba.
At iyon nga, matapos ang anim na buwan nilang pagiging mag-asawa ay mas pinili niyang makipag-hiwalay dito nang mahuli niya itong gumigiling sa ibabaw ng ibang lalaki sa mismong bahay nila—sa mismong kama nilang mag-asawa.
He was in rage, pero pinigil niya ang sarili na bunutin ang baril niya sa tagiliran at pasabugin ang bungo nito at ng lalaki nito. Hindi man lang nito ni-respeto ang bahay at ang master’s bedroom nila.
He managed to calm himself and filed a divorce. Kumuda pa ang ex-wife niya at sinumbatan pa siya tungkol sa pagkukulang niya. Mapagpasensyang inintindi na lang niya ito hanggang sa ma-aprubahan ng korte ang divorce na ni-file niya sa Las Vegas kung saan sila ikinasal.
Gayunpaman, sinigurado niyang walang makukuha ang kanyang ex-wife na kahit isang kusing sa pera at ari-arian niya. Nagreklamo pa iyon ngunit agad din umurong nang bantaan niyang magpa-file din siya ng kasong adultery. At alam na alam nito ang kakayahan niyang makakuha ng sapat na ebidensya para makulong ito sa kasong iyon. He was in military, after all.
At the end, his ex-wife chose to leave him alone and left the country.
At isang linggo nga matapos aprubahan ng korte ang divorce paper nila, inaya siya ni Alejandro na mag-bar. Kasama rin nila ang isa pa nilang kaibigan na si Riguel. The three of them are called bad-ass trio in military school sa batch nila, they always got each other’s back.
At dahil nga malungkot daw siya—at least that was what Alejandro said, ipinasundo siya nito sa driver nito at ipinahatid sa hotel na iyon kung saan may nagaganap na auction. Tinadtad niya ng mura si Alejandro nang tawagan niya ito nang mga oras na nalaman niya kung nasaan siya. Lalo pa siyang na-irita nang marinig niya ang malakas na tawa ni Riguel sa kabilang linya.
Ang rason ni Alejandro ay kailangan daw niyang maglibang. At ang ibig sabihin ng maglibang ay kumuha ng babae at magpakasaya.
His irritation for his two best of friends vanished when his eyes landed on the beautiful young girl. Nineteen or twenty years old, perhaps. She looks innocent and afraid. Na para bang ayaw talaga nitong ibenta ang sarili but she needed to.
Hindi katulad ng mga kasama nitong mga babae sa make-stage na panay ang paganda at pang-aaakit sa mga lalaking naroroon. She saw how the young girl got scared when she saw the old man has the highest bid for her.
Doon na siya gumawa ng aksyon. Suddenly, he felt a strong urge to save the girl and claim her at the same time. It was a fatal attraction at hindi niya iyon kayang salungatin. Inisip niyang tama si Alejandro, na malungkot nga lang siya kaya napagtuonan niya ng pansin ang batang iyon.
But deep inside, it was more than that. Kung talagang gusto niyang makalimot sa ginawa ng kanyang ex-wife sa pamamagitan ng babae, he will surely go to bar, pull some almost naked woman and f*ck her inside the comfort room of the establishment.
After all, siya ang nilalapitan ng mga babae. Alejandro told him that he was the exact replica of his brother—Nexus Almeradez. Masyadong seryoso, mahal ang ngiti at nakaka-intimidang tumingin.
But because of the fact that he spent three million for just one night with that young girl, alam niyang hindi lang iyon dahil sa divorce nila ng kanyang ex-wife.
He was attracted to a girl named Rona.
‘It was Lyzza. Her name is Lyzza, damn it!’ Parang natanga pa siya nang malaman niya ang tunay nitong pangalan kanina. Of course, hindi nito sasabihin ang tunay na pangalan ng gabing iyon.
Hindi nga ba’t may duda na siya ng gabing iyon na hindi nito iyon tunay na pangalan. And now, the girl pretends that she doesn’t know him. It was unacceptable. Lalo pa’t ito ang umukopa sa isip niya mula nang magising siya mula sa pagkaka-coma.
That morning, four years ago, nakatanggap siya ng tawag mula sa kampo na kailangan na niyang bumalik para sa isang misyon. Kaya wala siyang nagawa kundi iwan ang magandang babae na tulog na tulog sa tabi niya.
But on his way to camp, he was ambushed by the notorious international syndicate na matagal na nilang minamanmanan. He was cornered at kahit sugatan na siya ay nagawa pa rin niyang pasabugin ang ulo ng bawat isang umatake sa kanya.
Iyon nga lang, huli na nang malaman niyang may bombang itinanim sa kotse niya ang mga tarant*do. Segundo na lang ang natitira sa oras nang makita niya iyon. Wala siyang nagawa kundi itapon iyon. Tumilapon pa rin siya sa lakas ng pagsabog at nagising na lang siya sa hospital pagkalipas ng apat na buwan.
Nang maging maayos siya, ipinagbigay alam sa kanya ng driver na inutusan niya na kunin ang babae sa hotel, umalis na raw at hindi na nito naabutan. The hotel management confirmed that the girl leave after thirty-minutes he left. Wala ang pulang sobreng iniwan niya tabi ng lampshade kaya alam niyang nabasa nito ang sulat niya.
But that girl was a real hard-headed. Matigas ang ulo nito at tumanggi na kausapin siya. Dahil doon, mas pinili niya na munang bumalik sa serbisyo at tapusin ang nalalabi niyang mga taon sa military.
He promised to his mother that he will leave the military at the age of thirty-two. And he did. Pagkapos ay ginugol niya ang isang taon para malaman ang pasikot-sikot ng kompanya ng kanyang pamilya.
As their oldest child and only son, responsibilidad niyang pamahalaan ang kompanya sa oras na mag-retire ang kanyang ama sa pagiging chairman nito. Hindi naman pwedeng pabayaan niya ang kanyang nakababatang kapatid na babae.
His little sister is a spoiled brat at alam niyang ayaw na ayaw nitong makulong sa apat na sulok ng opisinang kinaroroonan niya. She will surely get bored to death—at least that was her words.
At ngayon nga na nasa posisyon na siya bilang CEO ng Vesarius Airlines, naghire na siya ng private investigator para ipahanap ang babaeng iyon. But it looks like hindi na niya kailangan magwaldas muli ng pera dahil nakita na niya ito.
“Sir, ano na po ang gagawin sa mga natirang estudyante na nasa labas?” Cleo, his secretary asked while peeking inside his office.
Comments
The readers' comments on the novel: A Night with Gideon