Novel A Night with Gideon has been updated Chapter 1 with many climactic developments. What makes this series so special is the names of the characters ^^. If you are a fan of the author Internet, you will love reading it! I'm sure you won't be disappointed when you read. Let's read the novel A Night with Gideon Chapter 1 now HERE.
Reading Novel A Night with Gideon Chapter 1
Chapter 1 novel A Night with Gideon
Chapter 1
Suot ang maikling palda at crop top na hindi umabot sa kanyang pusod, lumabas si Lyzza sa dressing room na pinagamit sa kanya ni Danielle. Pilit niyang hinihila pababa ang suot niyang maong na palda dahil halos makita na ang suot niyang panty sa sobrang ikli niyon.
Napatigil lamang siya sa kanyang ginagawa nang may tumampal sa kanyang kamay.
“Huwag mo ng hilahin, masisira ‘yan,” nakabusangot ang mukha ni Danielle nang sabihin iyon. Ngumunguya pa ito ng bubble gum nang pasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Sumilay ang ngisi sa labi nito nang tuluyan siyang mapagmasdan. “’Yan. Sabi ko na, hindi talaga ako nagkamali ng pagkilatis sa ‘yo.”
Nakuha pa siyang nitong paikutin sa kinatatayuan. “Ang ganda mo! Siguradong pag-aagawan ka mamaya.” Kapagkuwan ay pinindot nito ang dibdib niya. “Totoo ba ‘yan?”
Napaatras siya sa gulat dahil sa ginawa nito. “Oo.” Parang tanga naman ang babaeng ito. Wala nga siyang pera pampagamot sa mama niya tapos may iisipin nito na nagpagawa siya ng dibdib?
Pero sa kabilang banda, hindi niya naman ito masisi. At the age of nineteen-years old, malaki na ang kanyang dibdib kumpara sa mga ka-edaran niya. May pagkamestisa rin siya.
Half-british at half-Pilipino kasi ang tatay niya. Habang ang mama niya naman ay purong Pilipino. Namatay ang tatay niya nang tatlong taong gulang pa lamang si Caius, ang nakababatang kapatid. Simula noon, ang mama na niya ang nagtaguyod sa kanila.
Her father is a businessman. May maliit silang mga business noon. But when he died, bumagsak na rin ang mga negosyo nito. Wala rin naman silang inasahan sa mga kamag-anak nila dahil nilayuan sila ng mga ito nang nalugi ang kumpanya ng papa niya at naghirap.
They choose to stay away and live in peace and harmony. Kaya ngayong nasa hospital ang ina niya para ma-operahan sa puso, wala siyang mahingian ng tulong kundi ang sarili niya.
Umingos si Danielle at inayos ang buhok niya. “Basta mamaya, alam mo na ang gagawin mo. Alalahanin mo na nasa hospital ang nanay mo at kailangan mo ng pera. Kung gusto mong umatras, sabihin mo na ngayon para hindi tayo sumabit.”
Napalunok siya at mabilis na umiling. “H-Hindi…hindi ako aatras.”
“Sigurado ka?”
Sunod-sunod siyang tumango at kinagat ang pang-ibabang labi.
Iyon lamang ang hinintay nito at tuluyan na siyang hinila papunta sa likod ng make-stage ng lugar.
Sa isang hotel siya dinala ni Danielle nang sabihin niyang pumapayag na siya sa alok nito. May auction daw ng mga babae na magaganap at isa siya sa mga ipagbibili. Ipinakilala siya ni Danielle kanina sa mistulang organizer ng event—si Mama Lovie. The guy who looks like a wrestler than a beautician and organizer.
Ipinaliwanag nito sa kanya na isang gabi lang ang magiging usapan nito at ng kliyente. Nagtataka pa siya noong una kung bakit tinanong siya nito kung birhen pa ba siya. Hindi siya nakasagot dahil inunahan siya ni Danielle. Nagsinungalin ito na may karanasan na raw siya.
Hindi na niya iyon tinama dahil naisip niya na baka isa sa mga requirement’s ay may karanasan sa pakikipagtalik. Kailangan niya ng pera, iyon lamang ang dapat niyang i*****k sa kukote niya.
Pinapila siya ni Danielle kasama ang mga babaeng pareho ang kasuotan sa kanya. Those girls were beautiful. Mukha itong mga supermodels na naligaw sa lugar na iyon. Sa tantiya niya ay siya ang pinakabata sa mga naroroon.
Binundol siya ng kaba nang narinig niya ang boses ng baklang organizer ng event na nagbibigay ng paunang salita sa mga taong nasa harapan ng make-stage.
Kinailangan pa siyang itulak ng babaeng nasa likod niya—nang tawagin sila, paakyat sa stage.
Literal na hindi siya nakagalaw nang bumungad na sa kanyang paningin ang mga taong magbi-bid sa kanila para sa isang gabi.
Panay ang ngiti at paganda ng kanyang mga kasama habang siya ay hindi niya makuhang kumaway man lang. Gusto niyang gayahin ang ginagawa ng mga kasama pero wala siyang lakas ng loob. Ang usapan pa naman nila ng organizer ay hati sila sa kikitain.
Paano magbi-bid sa kanya ang mga taong ito kung hindi man lang siya ngumingiti?
Nagsimula ang auction. Panglima siya sa pila. Halos malula siya sa mga halagang binibitawan ng mga lalaki para lamang sa isang gabi. May umaabot pa ng isang milyon. Sobra-sobra na iyon para sa pampa-opera ng kanyang ina.
“And for our next woman, the Aphrodite and face of an angel herself, Rona.” Siya ang tinawag.
Naglakad siya papunta sa gitna.
“Thirty thousand!”
Napapikit siya. Thirty-thousand? Kulang na kulang iyon.
“Sixty-thousand. She seems young,” wika ng isang lalaki na may puting buhok at malaking tiyan.
“I bid one hundred thousand.” Isang lalaking may lahing Arabo naman ang nagsalita.
The bids go on and on hanggang sa umabot na iyon ng halos ng isang milyon. Ang lalaking may lahing Arabo ang may pinakahuling bid which is nine-hundred thousand.
Nagtama ang mata nila ng matanda at halos pangatugan siya ng tuhod nang binigyan siya nito ng ngisi at pinasadahan ng tingin ang buo niyang katawan. At hindi siya tanga para hindi niya makuha kung anong klaseng tingin iyon.
It was a perverted stare. Na para bang sinasabi nito na hindi siya nito tatantanan at wala itong paki-alam kung masasaktan siya. Naiiyak na siya sa kinatatayuan at halos pangapusan na siya ng hininga. Ano ba itong pinasok niya?
But when everything is almost settled, a man from the far side of the seats stands up and raised his number.
“Three million for that lady,” buong-buo ang boses nito.
Comments
The readers' comments on the novel: A Night with Gideon