Login via

A Night with Gideon novel Chapter 2

Update Chapter 2 of A Night with Gideon

Announcement A Night with Gideon has updated Chapter 2 with many amazing and unexpected details. In fluent writing, in simple but sincere text, sometimes the calm romance of the author Internet in Chapter 2 takes us to a new horizon. Let's read the Chapter 2 A Night with Gideon series here. Search keys: A Night with Gideon Chapter 2

Chapter 2

Four Years Later

“Nasaan si Mama?” tanong ni Lyzza sa nakababatang kapatid pagkababa niya ng hagdanan ng kanilang bahay.

“Nauna na sa tindahan. May aasikasuhin daw kasi siyang mga listahan,” sagot nito sa kanya at tumayo mula sa pakaka-upo sa sofa nila.

“Aalis na tayo, Ate?” tanong nito sa kanya.

Tumango siya matapos makita sa suot-suot niyang mumurahing relo na malapit nang mag-alas-syete ng umaga. “Oo, Cai,” sagot niya sa trese-anyos na kapatid at inipon ang buhok para itali. Kapagkuwan ay napatingin siya sa hagdanan nang hindi niya makita si Summer.

“Nasaan na ang bulilit na ‘yon?” tanong ni Caius na nakisilip na rin sa mga baitang ng hagdan.

“Sunduin ko nga,” wika niya sabay panhik sa hagdan. Iniwan niya kasi ito kanina para magsapatos dahil big girl na daw ito kaya hinayaan niya na lang.

Binuksan niya ang kwarto kung saan iniwan niya ito kanina. Naka-upo pa rin ito sa lapag habang nakasuot na ang sapatos sa mga paa nito.

“Summer, bakit hindi ka pa tumatayo diyan? Mahuhuli ka na sa school,” wika niya at tuluyan na itong nilapitan.

Tiningala siya ni Summer—ang tatlong taong gulang niyang anak. Bumaba ang tingin niya sa mga maliliit nitong kamay na may hawak-hawak na larawan.

Gulat na nahablot niya ang na larawan na iyon mula sa kamay nito. Dala ng gulat, nanubig ang mga matang napatungo ito.

Napaluhod siya sa sahig nang ma-realize niya ang kanyang ginawa. Sinapo niya ang maliit na pisngi ng kanyang anak at pinatingin ito ng diretso sa kanya.

“Are you mad at me, M-Mommy?” nangatal ang boses nito nang tanungin siya. Tuluyan na niyang narinig ang hikbi nito nang kandungin niya ang bata.

“Hindi,” umiling siya, “hindi galit si Mommy. Nagulat lang ako.”

“I-I’m sorry,” hikbi nito, umi-ingles na naman. Hindi niya alam kung saan ito natutong magsalita ng english gayong bilang lamang sa mga daliri niya ang mga pagkakataon na nagsasalita sila ng wikang iyon ng kanyang mga kasama sa bahay.

Ngunit na-isip niya na, baka nasa genes ng anak niya na fluent magsalita ng wikang iyon. Englishero din kasi ang ama nito, sa pagkakatanda niya.

“I’m not mad. Nagulat lang ako,” alo niya dito at hinaplos-haplos ang likod nito.

Tuluyan na siya nitong niyakap pabalik at ibinaon ang mukha sa kanyang leeg.

“Mommy, is he my daddy? We have the same eyes,” maya-maya ay wika nito habang nanatili pa rin nakabaon ang mukha sa leeg niya.

Napalunok siya at napakagat-labi. Tatlong taong gulang pa lamang ito ngunit matalas ng mag-isip. Alam naman niya na darating ang araw na magtatanong ito tungkol sa ama. But she didn’t expect that it will be this soon. Ano nga bang alam niya tungkol sa ama nito? Wala maliban sa pangalan nito, makalaglag garter ng panty na itsura at mga galaw at haplos nito ng gabing iyon.

“He is so handsome po,” sabi pa nito na nakatingala na pala sa kanya. “Where is he po?”

Hinaplos niya ang buhok nito at sinapo niya ang malambot nitong mga pisngi. “Hindi ko rin alam, Baby.” There is no point na magsinungalin siya. Matalino ang anak niya, alam niyang maiintindihan siya nito kahit tatlong taon gulang pa lamang ito.

“Bakit po? ‘Di ba dapat together ang mommy at daddy katulad ng mga classmate ko?”

“Complicated kasi, Baby. At saka malayo siya eh.”

Hindi na sumagot ang kanyang anak bagkus ay tinitigan na lamang siya habang nakalapat ang mga labi. Her daughter’s eyes were very much alike with the man who bought her at the auction four years ago. It was deep brown eyes. Malalim kung tumingin at parang palaging tagusan kung tumitig.

Hinaplos ng malilit na mga kamay ni Summer ang kanyang magkabilang pisngi at hinalikan siya sa tungki ng ilong. Isa lang ang ibig sabihin niyon, tapos na itong magtanong sa araw na iyon.

Maya-maya pa ay inaya na niya ito para lumabas. Ibinulsa niya ang larawan na tinitingan nito kanina na nahulog niya yata mula sa wallet niya. Kinuha niya ang pink fur backpack na nasa ibabaw ng kama nila. Favorite ng anak niya ang kulay na iyon. Halatang-halata naman dahil kulay pink ang damit nito maging ang sapatos.

Tatlong taong gulang pa lamang si Summer ngunit ipinasok na niya sa pre-school bilang sit-in lamang. Hindi ito opisyal na enroll sa paaralang iyon. Madalas kasi itong maboring at wala naman kasama sa bahay kaya mas minabuti niya na lamang na ipasok ang anak sa eskwela.

Isa pa, gustong-gusto naman nito. Kwento nga sa kanya ng kaibigan niyang teacher nito ay sadyang bibo raw ang kanyang anak sa klase.

Binigyan siya ni Summer ng matunog na halik sa pisngi nang makarating sila sa harap ng classroom ng bata.

Comments

The readers' comments on the novel: A Night with Gideon